I am the master of my faith,I am the captain of my soul.

Home » Archives » 10. October 2006

One down…A few more to go…

October 10, 2006
Office.Mrt.Sm.Glorietta.Landmark.Greenbelt.Ayala.

Araw-araw yan ang daan ko pauwi. Sa Ayala kasi ako sasakay ng fx papunta sa
subdivision namin. Sa tuwing dumadaan ako sa Greenbelt 4, lagi ko sinasabi
sa sarili ko na isang araw tatambay din ako sa M Cafe kasama ang mga
kaibigan ko.  Isa iyon sa mga simpleng pangarap ko sa buhay.

October 6, 2006. Bandang 11 ng gabi.
Naglalakad kami sa Greenbelt 3 habang naghahanap ng coffee house na pwedeng
tambayan. Kakatapos lang kasi namin mag dinner ng mga kaklase ko nung
college. Nagpunta kami sa starbucks, puno na. pati sa Coffee Bean & Tea Leaf
puno na rin.  Actually lahat ng establishments sa GB3 ay puno na. Friday
night kasi at bagong sweldo pa ang mga tao.

Nagsuggest ang isa kong kaklase na sa M Cafe na lang daw Naglakad na kami
papunta dun. Nung malapit na kami sabi ng isa kong kaklase mukha daw
nakareserve ang lugar. Baka daw may private party. Madalas din kasi iyong
maging venue ng kung ano anong events. Buti na lang ng tinanong namin ang
gwardiya sabi nya ay wala naman daw function ngayon dun. Open to the public
daw.

Pagpasok namin sa loob ng M Cafe, wala na daw available table. Meron nagiisa
pero pang apat na tao lang. Wala na silang extra chairs para sa iba.

Bigla kami nalungkot kasi naisip namin na baka wala na kaming mapuntahan na
iba.  Ang bitin naman kung uuwi na kami. Kulang pa ang mga kwentuhan kasi
medyo matagal na din namin nde nakikita ang isat isa. Lumabas kami ng iba
kong mga kasama at pinaguusapan kung saan pa pwede pumunta ng bigla kaming
tinawag ng isa pa naming kasama na naiwan sa loob. Ioopen na lang daw ng M
Cafe ang 2nd floor nila. Nakaclose na kasi yun nung dumating kami.

Mura lang pala ang mga coffee dun. Pati yung cheesecake nila mura din. Nung
una kasi akala ko mahal. Ang sosyal kasi ng lugar at mga sosyal na tao din
ang nakikita ko na tumatambay dun. Nakita ko pa nga si Tweety de Leon. Ang
ganda talaga niya. Parang hindi sya tumatanda.

Umorder ako ng Oreo Coffee Frappe. Nakalimutan ko na kung magkano sya. Pero
not more than 150 pesos yata. Masarap sya. Pati nga yung isa kong kasama ay
nagorder nun pagkatapos nya matikman ang order ko. Kumain din kami ng Mango
Cheesecake. Wala naman extraordinary sa cheesecake nila. Pagkatapos ng halos
2 oras na kwentuhan, naisipan na namin umuwi.

Masaya ako kasi natupad na ang isa sa mga simpleng pangarap ko. Pero mas
malaking dahilan ng saya ko ay ang mga taong kasama ko habang umiinom ng
Oreo Frappe at kumakain ng Mango Cheesecake.

Posted by thet at 2:05 pm | permalink | comments[1]